
Nag-uwi ng panibagong parangal ang full action series na Black Rider.
Hinirang ito bilang Most Development-oriented Drama Program sa 18th UP ComBroadSoc Gandingan Awards.
Nominado rin para sa parehong categorya ang hit GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.
Kinikilala sa taunang Gandingan Awards ng UP Community Broadcasters' Society ng University of the Philippines Los Baños ang mga programa sa telebisyon, radyo, at online na nagpo-promote ng pag-unlad ng mga Pilipino.
Kamakailan lang, nakatanggap rin ang Black Rider ng bronze medal mula sa New York Festivals Tv and Film Awards para sa categoryang Entertainment Program: Drama.
Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist na Black Rider!
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER:
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas, at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.