
Si primetime action hero Ruru Madrid mismo ang gumagawa ng karamihan sa kanyang stunts sa full action series na Black Rider.
Muli niyang ipinamalas ang dedikasyon niya sa serye nang siya na rin ang gumagawa ng stunts niya para sa isang chase scene kung saan pinoprotektahan ng karakter niyang si Elias ang pangulo ng bansa na ginagampanan naman ni Chanda Romero.
Sumabit siya sa bukas na pintuan ng gumagalaw na sasakayan at sumampa pa sa ibabaw nito habang nakikipag-barilan.
Para mapanatiling ligtas si Ruru, nakasampa ang sasakyan sa isang process trailer at hinahatak ng isa pang sasakyan. Hindi rin masyadong mabilis ang takbo nito para hindi mahulog ang aktor.
"Kung umaandar talaga 'tong totoo, 'yun ang mahirap at delikado. Ito, bente (20kph) lang takbo nito eh. Ito, safe 'to," lahad ni Ruru.
Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider, na sabay nang mapapanood sa tatlong channels at maging online!
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa GTV at sa digital channel na Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.