
Hindi pa tapos ang matitinding pasabog sa full action series na Black Rider.
Dalawang bagong karakter ang makikilala natin sa award-winning action-serye ng masa.
Si Jak Roberto ay si Moises, isang lalaking lumaki sa batas ng lansangan. Sanay na sanay siya sa bakbakan lalo na sa panahon ng kagipitan.
Isang lihim mula sa nakaraan ang nag-uugnay sa kanila ni (Ruru Madrid). Sa paglabas ng katotohanan, magiging kakampi o kalaban ba ni Black Rider si Moises?
Samantala, sa unang pagkakataon sa isang Philippine TV series, mapapanood ang sikat na K-drama actor na si Kim Ji Soo.
Gaganap siya sa Black Rider bilang ang guwapo at matipunong self-defense coach na si Adrian Park. Sasanayin niya sa pakikipaglaban si Vanessa (Yassi Pressman) matapos ang naging banta sa buhay nito.
Si Adrian na ba ang bibihag sa puso ni Vanessa? Maaalala pa ba ni Vanessa ang mabuting kaibigang si Elias na tunay na laman ng kanyang puso?
Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Walang magpapaiwan sa pagharuruot ng mas tumitinding kuwento ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.