GMA Logo Ruru Madrid
What's on TV

Ruru Madrid on 'Black Rider': 'I'm living my dream'

By Marah Ruiz
Published July 13, 2024 6:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

HPG officer relieved after mauling patrolman
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Lubos ang pasasalamat ni Ruru Madrid suportang natanggap ng 'Black Rider.'

Masayang-masaya si primetime action hero Ruru Madrid sa matinding suporta na natanggap niya bilang bida ng top rating full action series na Black Rider.

"I would say this is the longest serye na nagawa ko. Throughout the journey ng paggawa po namin ng Black Rider, napakarami pong lessons. Napakarami kong natutunan dito sa proyektong 'to na alam kong dadalhin ko sa mga susunod pang proyekto na gagawin ko," pahayag ni Ruru sa isang online media conference.

Umaasa siyang mag-iiwan ng marka at mahahalagang aral ang serye para sa mga manonood.

"My goal is to entertain people but at the same time, gusto ko lagi akong may naiiwang marka sa kanila at 'yun 'yung inspirasyon na nais kong ipamahagi sa kanila. Napakasarap po sa puso. Siguro I would say ngayon, dahil nga sa lahat ng mga natutunan ko dito, mas alam ko na kung ano pa 'yung mga susunod kong gagawin sa mga susnod ko pang proyekto," lahad ng aktor.

Hindi rin daw matutumbasan ng kahit anong halaga ang kanyang tuwa tuwing nakikita niyang iniidolo siya ng mga bata.

"Nakakatuwa po. Dati pangarap ko lang 'yan. Dati ako po 'yung nasa psosiyon nila. Dati ako 'yung tumitingala sa mga iniidolo ko at ginagaya ko 'yung mga ginagawa nila. At ngayon na nandoon po ako sa kung saan po 'yung mga dati kong iniidolo ko noon, napakasarap po sa puso," kuwento ni Ruru.

Ilang pangarap din niya ang natupad ng Black Rider, kabilang ang pagiging action star.

"Kasi pinangarap ko po ito ever since bata ako. Ngayon para bang I'm living mga dream right now. Sobrang grateful po ako sa lahat ng bumubo ng Black Rider na pinagkatiwala po nila itong proyetong 'to para sa akin," aniya.


Patuloy na panoorin mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Walang magpapaiwan sa papalapit na heroic finale ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream sa Kapuso Stream.