Ruru Madrid, handa nang harapin ang bagong digmaan sa 'Black Rider'

Handa na si primetime action hero Ruru Madrid sa bagong digmaan sa top rating full action series na Black Rider.
Humarap si Ruru at iba pa niyang co-stars sa ilang piling miyembro ng media para ibahagi ang mga dapat abangan sa bagong kabanata ng kanilang serye.
Kasama ni Ruru sa pocket media conference sina Yassi Pressman, Jon Lucas, Raymond Bagatsing, Rio Locsin, Herlene Budol, Almira Muhlach, Jestoni Alarcon, at ang bagong miyembro ng cast na si Vivamax star Angeli Khang.
Nandoon din ang series directors na sina Rommel Penesa at Richard Arellano.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.
Alamin ang ilang mga rebelasyon ni Ruru Madrid at cast ng Black Rider sa bagong yugto ng kanilang serye dito:











