GMA Logo Rayver Cruz and Jak Roberto
Photo by: rayvercruz (IG); jakroberto (IG)
What's on TV

Rayver Cruz at Jak Roberto, nakatanggap ng regalo mula kina billiard masters Johann Chua at Geona Gregorio

By Aimee Anoc
Published March 28, 2022 4:20 PM PHT
Updated April 11, 2022 9:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz and Jak Roberto


"Niregaluhan kami [nina] coach direk! Sana maging kasing expert din kami nila." - Jak Roberto

Masayang ipinakita nina Rayver Cruz at Jak Roberto ang regalong natanggap mula sa billiard masters na sina Johann Chua at Geona Gregorio, na nagsilbing tagapagsanay nila sa billiards para sa upcoming series na Bolera.

Sa Instagram, kapwa ibinahagi nina Rayver at Jak ang kanilang pasasalamat para sa dalawang billiard masters na nagbigay ng kauna-unahan nilang taco.

"El Salvador si back. Special thanks to my bro and sis ang malupit naming coach (Johann Chua). Bangis bro iba ka [first] ever taco wahaha let's go. Mas malupit mga shots natin mamaya, [Geona Gregorio]," sulat ni Rayver.

Isang post na ibinahagi ni rayvercruz (@rayvercruz)

Mapapanood naman sa video na ibinahagi ni Jak ang excitement at tuwang naramdaman nang matanggap ang regalong inihanda para sa kanya nina billiard masters Johann at Geona.

"Thank you coach [Johann Chua] and coach [Geona Gregorio]," sabi ni Jak.

Isang post na ibinahagi ni Jak Roberto (@jakroberto)

Nasa ikalawang lock-in taping na ngayon sina Rayver at Jak kasama ang iba pang cast ng Bolera.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso actor Jak Roberto sa gallery na ito: