GMA Logo Klea Pineda
What's on TV

Klea Pineda, time out muna sa mga api-apihan roles

By Aedrianne Acar
Published May 21, 2022 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda


Mas mapapabilib kayo sa role ng Sparkle actress na si Klea Pineda bilang si Golden Eye sa much-awaited series ni Kylie Padilla na 'Bolera.'

Isang edgy at palaban na Klea Pineda ang mapapanood ng viewers at fans sa highly-anticipated series na Bolera.

Kung madalas napapanood natin ang StarStruck Season 6 Ultimate Female Survivor sa mga serye na may heavy drama, this time gaganap siya bilang kontrabida ni Kylie Padilla sa show.

Ayon kay Klea, gusto niya bigyan ang sarili na mag-explore ng iba pang roles.

Paliwanag niya sa 24 Oras, “Binibigyan ko rin ng chance 'yung sarili ko na mag-explore ng iba't ibang klaseng character, iba't ibang klaseng role. Sabi ko naman sa sarili ko, gusto ko maging flexible na actor.

“Ikaw 'yung magma-maltrato. Hindi kasi siya 'yung kontrabida na 'yung character ko doon si Golden Eye. Ako si Golden Eye dito, kalaban ni Kylie sa billiards [at sa mga] tournaments.”

Klea Pineda

At tila destined si Klea para sa project na ito na dini-direct ni Dominic Zapata dahil nung kasagsagan ng lockdown ay nag-aral na siya kung paano maglaro ng billiards.

Pagbabalik-tanaw ng Sparkle actress, “Nung nag-pandemic, napag-usapan lang ng papa ko at tsaka ng mga cousins ko na mga lalaki na since wala naman tayo ginagawa, stuck tayo lahat sa bahay, bakit hindi tayo bumili ng billiards para may pagkaabalahan tayo.”

“Nakakatuwa na pagdating ko dun sa set sa Bolera may idea na ako kung paano 'yung tayo dapat. Kung paano 'yung hawak ng tako.”

Heto ang ilan sa bonding moments ng cast ng Bolera sa gallery na ito.