
Inilabas na ang official soundtrack ng Bolera kung saan si Kylie Padilla mismo ang kumanta.
Ayon kay Kylie, inspirasyon sa kantang "Ang Bolera" ang kuwento ng buhay ng billiard prodigy na si Joni, ang karakter na pinagbibidahan niya sa sports drama series.
"Ang song na 'yun was inspired by Joni's journey sa Bolera. Maririnig mo naman sa lyrics. She mentions her father, she mentions 'yung love niya para sa pamilya niya, at saka kung gaano siya kaastig. Naroon lahat 'yun sa kantang iyon," pagbabahagi ni Kylie.
Kasalukuyang mayroon nang mahigit 158,000 views at 283 shares ang music video ng "Ang Bolera" sa official Facebook page ng GMA Network.
"Ang Bolera" ay isinulat nina Marvin Chua at Ann Margaret Figueroa.
Makakasama ni Kylie sa Bolera ang mahuhusay na mga aktor na sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, Al Tantay, David Remo, Via Veloso, Sue Prado, Ge Villamil, Julie Lee, at Luri Vincent Nalus.
Abangan ang world premiere ng Bolera ngayong May 30, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.
Samantala, tingnan ang last taping day ng Bolera sa gallery na ito: