
Sa June 9 episode ng Bolera, ipinakilala na kung sino si Miguel "El Salvador" sa mundo ng billiards, ang karakter na ginagampanan ni Kapuso actor Rayver Cruz.
Tulad ni Joni, isa ring billiard prodigy si Miguel na galing sa pamilya ng mga atleta. Pero kaiba sa kalagayan ni Joni na wala pang napapatunayan sa mundo ng billiards, si Miguel ay naging kampyeon na sa larong ito.
Sa interview sa GMANetwork.com, ikinuwento ni Rayver ang pinaka-challenging na parte sa role nito.
"For me very challenging kasi talagang 'yung pagte-training sa billiards, hindi puwedeng dayain. Tinuruan talaga kami ni coach [Johann Chua] at [Geona Gregorio]. Kailangan kuha 'yung tamang pagtira. And ang sarap lang sa pakiramdam na dahil sa show na ito parang feeling ko professional talaga na billiards player ako," sabi ng aktor.
Ayon kay Rayver, may mga pagkakatulad din sila ni Miguel. Ito ay ang "dedikasyon at passion sa career at personal na buhay."
Patuloy na subaybayan si Rayver sa Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.
Balikan ang mga eksena sa Bolera:
Bolera: The arrival of El Salvador | Episode 9
Bolera: Joni's spatial intelligence activated | Episode 9
Samantala, tingnan ang pogi photos ni Kapuso actor Rayver Cruz sa gallery na ito: