
Sa ikalimang linggo ng Bolera, nakaharap na ni Joni (Kylie Padilla) ang isa sa billiards champion na alaga ni Cobrador (Gardo Versoza), si Sheena (Klea Pineda) o mas kilala bilang "Golden Eye."
Sa unang laban, si Golden Eye ang itinanghal na panalo matapos na mabigong magpakita si Joni sa huling round ng kanilang laban. Umalis ang huli matapos na hindi makayanan ang ilan sa dirty tricks ni Golden Eye.
Dahil sa nangyari, mas lalong nagpursige si Joni na matuto sa billiards at napagdesisyunang tanggapin ang alok ni Toypits na maging coach si Freddie Roldan (Joey Marquez).
Pero hindi naging madali ang training ni Joni kay Freddie dahil bukod sa pag-aaral ng billiards ay tinuruan din siya nitong magkaroon ng mahabang pasensya.
Samantala, hindi naman nagustuhan ni Miguel ang utos ni Cobrador na makapareha sa paparating na laban si Golden Eye.
Tanggapin kaya ni Joni ang alok ni Miguel na maging partner nito sa scotch doubles?
Patuloy na subaybayan ang Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Balikan ang mga eksena sa Bolera:
Bolera: Joma's old friend | Episode 21
Bolera: Bawal ang pikon sa bilyar | Episode 22
Bolera: Struggle of having an unsupportive mother | Episode 23
Bolera: The road to champion training has begun | Episode 24
Bolera: Sandamakmak na problema ang pinapasan ni Joni | Episode 25
Kilalanin ang cast ng 'Bolera' sa gallery na ito: