
Bago pa man makatrabaho ang isa't isa sa sports drama series na Bolera, una nang nagkasama sina Jak Roberto at Klea Pineda sa afternoon series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye.
Sa seryeng ito, gumanap na magka-love team sina Klea at Jak bilang sina Bruce at Joyce.
Sa GMA Network TikTok Live na ginanap kahapon, July 20, isa sa mga tanong na sinagot nina Jak at Klea ay ang, "Gusto niyo pa bang maka-love team ang isa't isa?" Agad na sagot ng dalawang aktor, "Oo naman."
"Si Klea kasi magaling na artista talaga. Hindi siya mahirap kaeksena. Mabilis maibigay 'yung mga emotion na kailangan and collaborative din. Kumbaga advantage namin kapag naging magka-love team ulit kami kasi alam na namin 'yung trabaho," kuwento ni Jak.
Dagdag ni Klea, "Yes, alam na namin. Kabisado na namin kung paano kami magtrabaho [ang] isa't isa. Kung ako rin ang tatanungin, syempre gusto ko ring maka-love team pa rin si Jak. Why not? 'E sobrang dami ng pinagdaanan namin sa Never Say Goodbye. Sobrang mas nakilala namin ang isa't isa roon. So yeah, bakit naman hindi? Magaling na artista si Jak."
Sa Bolera, napanood si Klea bilang "Golden Eye," ang isa sa pinakamatinding nakalaban ni Joni (Kylie Padilla) sa mundo ng billiards. Gumaganap naman si Jak bilang Toypits, ang best friend at manager ni Joni.
Patuloy na subaybayan ang Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NI KLEA PINEDA BILANG GOLDEN EYE SA 'BOLERA' RITO: