GMA Logo Miko Aytona at Elle Ramirez
What's on TV

Mico Aytona at Elle Ramirez, abangan sa 'Bolera'

By Aimee Anoc
Published August 2, 2022 4:36 PM PHT
Updated August 2, 2022 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gov’t hospitals on Code White Alert for illness, injury amid Christmas, New Year holidays
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Miko Aytona at Elle Ramirez


Huwag palampasin ang espesyal na partisipasyon nina Mico Aytona at Elle Ramirez bilang Felix at Macy sa 'Bolera.'

Magkakaroon ng espesyal na partisipasyon sina Mico Aytona at Elle Ramirez ngayong linggo sa Bolera.

Gagampanan nina Mico at Elle ang billiards players ng Team Visayas na sina Felix at Macy na kilala sa mundo ng billiards bilang "Magic Man of Cebu" at "Amazing Macy."

Sa teaser na inilabas ng Bolera ngayong araw, August 2, ipinakilala ni Miguel (Rayver Cruz) sina Felix at Macy kay Joni (Kylie Padilla) bilang ang "pinakamagagaling na players sa Visayas."

Matapos na maipanalo ang Mixed Doubles laban kina Golden Eye (Klea Pineda) at Striker X (Xavier Gomez), kakatawanin nina Joni at Miguel ang Team Luzon para sa National Mixed Doubles 9-ball Championship na gaganapin sa Cebu.

Maipanalo kaya nina Joni at Miguel ang susunod nilang laban?

Abangan sina Miko at Elle sa huling apat na Linggo ng Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG BOLERA RITO: