
Kaabang-abang ang espesyal na partisipasyon ng billiards legends na sina Efren "Bata" Reyes, Francisco "Django" Bustamante, Rubilen "Bingkay" Amit, at Johann "Bad Koi" Chua ngayong Martes sa Bolera.
Sa teaser na inilabas ng Bolera ngayong araw, August 15, mapapanood ang pagsuporta ni Tessa (Jaclyn Jose) kay Joni (Kylie Padilla) na lumaban para sa pangarap nitong maging Philippines 9-Ball Cup champion tulad ng yumaong ama.
Ipinakita rin ang pagkabigla ni Joni nang makaharap ang mga iniidolong manlalaro ng billiards na sina Efren, Francisco, Rubilen, at Johann.
Abangan sina Efren, Francisco, Rubilen, at Johann sa huling dalawang linggo ng Bolera, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG ILANG MGA LARAWANG KUHA SA SET NG BOLERA KASAMA SINA EFREN REYES, FRANCISCO BUSTAMANTE, RUBILEN AMIT, AT JOHANN CHUA RITO: