GMA Logo Rayver Cruz
What's on TV

Rayver Cruz thanks 'Bolera' viewers for their support

By Aimee Anoc
Published August 15, 2022 8:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz


"Sobrang nakakataba ng puso and maraming salamat talaga sa lahat ng sumusuporta." - Rayver Cruz

Proud si Kapuso actor Rayver Cruz na napasama siya sa cast ng kauna-unahang sports drama series ng GMA, ang Bolera.

Sa interview sa podcast na "Updated with Nelson Canlas," ikinuwento ng aktor ang samahang nabuo ng cast at crew ng Bolera.

"Grabe naging isang pamilya kami ro'n. At hindi lang naman kami ni Jak [Roberto] and ni Kylie [Padilla], like 'yong buong cast," sabi niya.

Dagdag ni Rayver, "Ang saya no'ng samahan, ang gaan no'ng... mabigat 'yong mga eksena pero ang gaan no'ng pakiramdam no'ng buong set. Para kang nagkaroon ng mga kapatid, ate, kuya, nanay, at tatay ro'n sa set na 'yon."

Ipinarating din ni Rayver ang pasasalamat para sa suportang natatanggap ng Bolera, na mula simula ay mainit na sinubaybayan ng manonood.

"Gusto ko rin magpasalamat lahat sa mga supporter natin, mga Kapuso natin, kasi I mean nakakatuwa and nakakagulat. And blessed to be part of that show kasi talagang ang taas no'ng ratings.

"Kaya tuwang-tuwa kami. Kumbaga parang tinry ng GMA mag-explore ng gano'ng style ng show, and it worked, kaya nakakatuwa. Sobra, sobrang nakakataba ng puso and maraming salamat talaga sa lahat ng sumusuporta. Sobrang proud din ako kay Kylie kasi pag-comeback pa lang niya top-rater agad siya. So galing, ang galing ng Bolera," pasasalamat ng aktor.

Patuloy na subaybayan si Rayver bilang si Miguel "El Salvador" kasama sina Kylie, Jak, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, David Remo, Ge Villamil, Julie Lee, at Luri Vincent Nalus sa huling dalawang linggo ng Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG BOLERA RITO: