
Puno ng magagandang reviews ang naging exciting na finale ng Bolera.
Nitong August 26, napanood na ang pagtatapos ng tapatan nina Bolera (Kylie Padilla) at Cobrador (Gardo Versoza). Dito ipinakita kung paano nagwagi si Bolera sa gitna ng pagsubok sa kanilang laban.
Ilang netizens ang nag-react sa finale episode ng Kapuso primetime drama.
Komento ng isang viewer, "Grabe ganda ng Bolera! kakaibang drama. sports, love story, crime scene, family probs, friendship. super mamimis ko to, napaka palaban p ng Bida"
Saad naman ng isang viewer, masaya siya sa naging flow ng istorya.
"SATISFYING ending! NICELY written! Tama yung observation na, smooth flow ng kwento until finale! SUPERB casts! Rayver Cruz was a revelation because it's rare for a Pinoy actor to nail methodical acting! Kylie, hands down THE BEST! As much as we love all the casts, I dont want Bk 2. The series had a FITTING finale! Hopefiully, just another WELL-WRITTEN project soon for each of the casts respectively!"
Karamihan sa mga netizen ang nagsabing mami-miss nila ang panonood ng Bolera.
"I will miss Bolera dahil wala siyang katulad. And it is the very first Sports Drama of the Kapuso Network."
May iba naman ay umaasang magkakaroon ng Book 2 ang Bolera. Sulat ng netizen, "grabeee yung endinggggg!!!! nakaka pressure manood kagabi kase maghuhula ka talaga kung sinong nag wagi kay joni HAHHAA. PETITION FOR BOOK 2 GMA!!"
PHOTO SOURCE: YouTube
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.