GMA Logo Kokoy de Santos and Analyn Barro
What's on TV

Analyn Barro, Kokoy de Santos, kinabahan nang humarap sa isang live audience sa 'Bubble Gang'?

By Aedrianne Acar
Published July 5, 2023 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy de Santos and Analyn Barro


Tuloy ang paghahatid ng saya nina Analyn Barro at Kokoy de Santos bilang official cast member ng 'Bubble Gang'.

Bukod sa paglipat nila ng timeslot mula late Friday night to Sunday primetime simula July 9, mag-iiba ang experience ng ating mga Kababol sa tuwing sasabak sila sa taping ng Bubble Gang dahil sa pagkakaroon ng studio audience.

Inusisa ng GMANetwork.com ang ating mga Bubble Gang cast members na sina Analyn Barro at Kokoy de Santos sa bagong challenge na ito sa kanila sa longest-running gag show na Bubble Gang.

Para sa StarStruck alumna na si Analyn, malaki ang naitulong ng pagsali niya noon sa "Parokya Bente Dos: A Laugh Story” na isang musical show noong 2017.

Lahad ng Sparkle actress, “For me po kasi na-experience ko 'yung Parokya Bente Dos kaya feeling ko na-train naman ako sa kung paano 'yung treatment na 'yun.”

Pagpapatuloy ni Analyn, “And in-apply ko na rin kung paano ngayon na may audience kami and for me mas masaya na may audience, kasi bago siya, fresh content, fresh 'yung mga naiisip ng lahat. And, talagang alam mo nakakatawa ka, kasi tumatawa rin 'yung audience. Alam mo 'yung, 'Uy! Napapatawa ko sila'

“So, parang mas fulfilling 'yung feeling na 'yun, so mas nagustuhan ko po siya.”

Ayon naman sa TikTok heartthrob na si Kokoy de Santos, mas napapagaan ang trabaho nila kahit may mga pagbabago sa gag show sa tulong ng mga tinawag niya “OG” na cast members tulad nina Direk Michael V. at Paolo Contis na katuwang ang kanilang production team.

Sabi niya, “Sobrang happy naman ako nandito kumbaga 'yung OG sa cast, sa prod. Nandiyan sila palagi para umalalay sa amin.”

Dagdag ni Koy, “Lalo na ako, hanggang ngayon nandun pa rin ako sa stage na learning pa rin ako everyday. Kumbaga lalo na sa pagpapatawa at pagpapasaya sa comedy.

“Ako naman, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako, kasi bata pa lang ako pinapanood ko na talaga 'tong Bubble Gang.”

Bukod kina Bitoy at Paolo, makakasama rin nina Analyn at Kokoy sa Bubble Gang sina Chariz Solomon, Betong Sumaya at newbie cast members na sina EA Guzman, Buboy Villar, at Cheska Fausto.

MORE FUN MOMENTS DURING THE 'BUBBLE GANG' PICTORIAL: