
Ramdam namin ang 100 percent n'yo na suporta, mga Kababol, dahil ang longest-running gag show na Bubble Gang ay nakamit ang mataas na TV ratings sa paglipat nito ng timeslot sa Sunday Primetime simula nitong July 9.
Base sa datos mula sa NUTAM People Ratings, nakakuha ang Bubble Gang ng 7.5% na 'di hamak na mas mataas sa naitalang ratings ng mga karibal nitong programa.
Kung ikukumpara sa huling episode nila sa kanilang old timeslot noong July 7, mas maraming tao ang tumutok sa flagship comedy show ng GMA-7 nang ilipat ito tuwing Linggo.
Noong Biyernes ng gabi, nakapagtala ito ng ratings na 5.3% sa NUTAM People Ratings.
Kaya sa susunod ng Linggo, walang bibitaw dahil patuloy na babaha ng good vibes at tawanan sa Bubble Gang.
Makakasama n'yo rin ang ilan sa pinakamahuhusay na comedians ng bansa sa pangunguna ni Michael V. at makakasama niya sina Paolo Contis, Chariz Solomon, Analyn Barro, Betong Sumaya, Kokoy de Santos, EA Guzman, Buboy Villar, at Cheska Fausto.
Remember, mga Kababol! Chewing Linggo na tayo. Nood na ng Bubble Gang every Sunday night sa oras na 6:00 p.m., bago ang Happy ToGetHer.
FUN PICTORIAL WITH THE 'BUBBLE GANG' BARKADA: