GMA Logo michael v and lola amour
What's on TV

Michael V., gumawa ng 'duet video' kasama ang Lola Amour

By Nherz Almo
Published September 24, 2023 10:38 AM PHT
Updated September 24, 2023 11:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

michael v and lola amour


Michael V. and Lola Amour collab, when?

Tunay na hit ang bagong parody song ni Michael V, ang “Waiting Here sa Pila,” na unang napanood sa Bubble Gang noong September 10.

Ang kanta ay hango sa hit song ng bandang Lola Amour, ang “Raining in Manila.”

Dahil dito, ilang masugid na fans ang nagre-request ng collaboration sa pagitan ng Lola Amour at ni Lolo Kanor, ang karakter ni Bitoy sa music video ng “Waiting Here sa Pila.”

Habang hinihintay ang pagkakataong magawa ang collaboration, isang sorpresa muna ang inihanda ni Michael V. para sa fans.

Sa kanyang Instagram account noong Sabado, September 23, in-upload niya ang isang “duet video” na naglalaman ng parehong music video ng “Raining in Manila” at “Waiting Here sa Pila.”

Ayon kay Bitoy, “Sa mga nangangarap ng collab between @lolaamourph and Lolo Kanor (myself included 🙋🏻‍♂️) at dahil maulan na naman, I made a seamless edit of their respective performances!

“Pinag-tripan ko lang dahil curious ako sa magiging outcome. Let me know what you think sa comments. 😉

“Lezz DUET! 🎤🎙️☔️☕️”

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Marami naman sa followers ni Michael V. ang natuwa sa kanyang ginawang “duet video,” kabilang na ang ilang kakilalang personalidad


Source: michaelbitoy on Instagram

Samantala, tingnan ang beahin-the-scenes sa paggawa ng “Waiting Here sa Pila” music video rito:

Available na rin ang karaoke version nito: