
Ilan sa A-list celebrities sa show business ang nagpaabot ng mensahe para sa buong team ng Bubble Gang para sa kanilang '"Bente O-Chew" anniversary episode kagabi, November 19.
Isa si Kapuso Primetime King at Family Feud host Dingdong Dantes ang natutuwa sa milestone na na-achieve ng comedy show.
Ani Dingdong, “Isa pong mainit na pagbati sa cast and crew. At sa lahat ng bumubuo sa Bubble Gang sa inyong 28th anniversary.”
Inalala naman ng Love Before Sunrise actress na si Bea Alonzo ang guest appearance niya noon sa show.
Sabi niya na hangad niya na mas marami pang tao ang sana ay mapasaya ng Bubble Gang.
“Happy anniversary, Bubble Gang! Isa ako sa nasuwerteng nakapag-guest sa inyo diyan sa Bubble Gang. Institusyon na kayo, napakatagal n'yo na, and sana marami pa kayong tao mapasaya. I wish you all the best and sana mas magtagal pa ang inyong show. More power to you guys!” saad ni Bea.
Personal naman dumalo ang Eat Bulaga host na si Isko “Yorme” Moreno sa taping ng anniversary ng Kapuso gag show.
Hirit pa niya kay Direk Michael na sana ay umabot pa ng 50 taon ang Bubble Gang.
“Paborito namin tong mag-asawa tong show na 'to. Lalong-lalo na si Toybits!”, sabi ni Yorme, “Congratulations sa inyo, at 'Toy, keep it up! I wish you all the best and good health. At siyempre, sa susunod niyan kailangan 50 years na.”
May video greeting din sina Happy ToGetHer star John Lloyd Cruz, Kylie Padilla, Senator Bong Revilla, at Primetime Action Hero Ruru Madrid para sa ating mga Ka-Bubble.
Samantala, nagbigay naman ng mala-concert performance si Michael V. bilang Lolo Kanor sa opening number ng Bubble Gang nitong Linggo ng gabi, kung saan kinanta niya ang hit parody song na "Waiting Here Sa Pila" kasama ang fast-rising OPM band Lola Amour.
Ang viral hit na "Waiting Here Sa Pila," na umani ng milyong views online, ay parody ng hit OPM song na 'Raining in Manila.'
OMG LOLA AMOUR SA BUBBLE GANG HAHAHAHAHA
-- natsu saw txt | semi-ia🏦📏 (@txtsama) November 19, 2023
Ganda Ng opening Ng @bubblegang #BBLBentwOchew
-- Erika De Dios (@eca_samc) November 19, 2023
CELAUGHRATE KOKOY BBLGANG
VIRAL PARODIES OF MICHAEL V.
Sinubaybayan din ng avid fans ng show at pati rin ng netizens ang pasabog na first part ng "Bente O-chew" special.
Congrats Bubble Gang sa 28yrs and counting! Madami kayong napasaya at napapatawa! Hindi nagsasawa yung mga tao dito manood sainyo kasi yung mga joke napapanahon, nakakabilib! Ang galing sobra! #BBLBenteOChew
-- Jolina Guevarra (@JOLINAguevarra5) November 19, 2023
KapusoBrigade
@ind1oBattalion
Para sa updates at information sa second part ng Bubble Gang anniversary presentation, please visit GMANetwork.com o i-follow ang lahat ng social media pages ng comedy show.