
Ang babait ninyo, thank you!
Ito ang nararamdaman ng award-winning Bubble Gang comedian na si Michael V. sa pagvi-viral ng parody song na “Sipilyo” na ipinalabas sa episode ng gag show nitong Linggo, December 17.
Ang “Sipilyo” ay parody version ng popular OPM hit ng SunKissed Lola na “Pasilyo.”
Matapos ito ma-upload online, umani na ito ng combined views na 5.5 million across all social media platforms.
Kaya naman sa Facebook post ni Direk Bitoy, taos-puso ang pasasalamat niya sa lahat na sumuporta sa “Sipilyo.”
“Thank you mga Ka-Babol!
Napa-BIG SMILE naman ako sa inyo!
Here's a link sa YouTube video ng “SIPILYO” by 'Sang KISS Muna. Check out nyo 'yung ENGLISH SUBS! You can actually SING ALONG with it! You're welcome.”
RELATED CONTENT: PATOK NA PARODY SONG NI MICHAEL V.: