
Ganito inilarawan ng mga netizen ang funny sketch na napanood sa Bubble Gang nitong Linggo ng gabi (February 4) na “Unli-Rice” kung saan tampok ang isang fast-food crew na ibinibulgar ang ginagawang teknik ng mga customer sa isang resto na unlimited rice.
Sa loob lamang ng isang araw matapos ma-upload sa TikTok ang sketch, nakakuha na agad ito ng mahigit two million views!
Unli-tawanan din ang hatid ng “Unli-Rice” sketch sa mga Ka-Bubble na sobrang naka-relate.
Kayo rin ba, ginawa n'yo na ba ang ipinagbabawal na teknik?
@youlolgma Aminin n'yo, ginagawa n'yo rin 'to! #youlol #gmanetwork #gma #bblgang #bubblegang #bubblegangcomedylaughtrip #bubblegangcomedy #michaelV #fyp ♬ original sound - YoüLOL
Mapapanood ang Bubble Gang tuwing Linggo sa oras na 6:15 p.m. sa GMA-7 at may simulcast din ito sa GTV.
RELATED CONTENT: ICONIC BUBBLE GANG CHARACTERS OF BITOY