GMA Logo Cheska Fausto
Source: thatscheskaaa (IG)
What's on TV

Cheska Fausto hindi pa rin makapaniwala na parte ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published March 27, 2024 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral poised to do ‘tell-all’ before her death, says Lacson
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Cheska Fausto


Promising actress na si Cheska Fausto, ibinahagi ang experience na mapasama sa isa sa mga iconic program ng home network niya na GMA-7.

Halos mag-iisang taon na mula nang ipakilala ang Sparkada beauty na si Cheska Fausto bilang newest member ng award-winning at longest-running gag show na Bubble Gang.

Matatandaan na noong July 2023, kasabay sa paglipat ng timeslot ng show sa Linggo ng gabi, isa si Cheska sa mga naging addition sa Bubble barkada.

Ayon sa Sparkle actress, kahit galing siya sa drama, madali ang adjustment na mapasama sa isang comedy program sa tulong na rin ng kaniyang mga co-star.

Ani Cheska, “Nung pumasok ako sa Sparkle, never ko in-expect na mapunta ako sa comedy realm. Nasa drama talaga ako. Pero siguro nakapag-adjust ako, kasi unang-una, sobrang naging comfortable ako sa Bubble Gang family.”

Dagdag pa nito, bukas sa pagtuturo ang mga seasoned comedians ng show tulad nina Direk Michael V., Paolo Contis, at Chariz Solomon.

Paliwanag niya, “Sobrang welcoming nila at talagang madami ako natutunan talaga coming from si Ate Cha [Chariz Solomon] before ako sumabak sa mga eksena. Kay Kuya Bitoy, kay Kuya Pao [Paolo Contis] lahat sa kanila. So, talagang naging smooth sailing din siya along the way, kasi nga nagtutulungan.”

Bukod sa Bubble Gang, napanood din si Cheska sa Love Before Sunrise at Luv Is: Caught In His Arms.

RELATED CONTENT: MEET OUR MULTI-TALENTED KA-BUBBLE GRADUATES

TRIVIA: A-list actresses and comedians who graduated from 'Bubble Gang'