GMA Logo salamin salamin parody on bubble gang
What's on TV

BLOOMS, excited na sa 'Salamin, Salamin' parody ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published September 27, 2024 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dog found in Valenzuela City with tongue cut out
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

salamin salamin parody on bubble gang


Teaser video ng “Salarin, Salarin," may six million views na sa Facebook!

Bukod sa fans at loyal viewers ng Bubble Gang, nakaabang na rin Blooms, na tawag sa ang fans ng P-pop group na BINI, sa parody song na "Salarin, Salarin."

Hango sa hit song ng BINI na "Salamin, Salamin," ang bagong parody song na isinulat ni Michael V. ay mapapanood sa Bubble Gang ngayong Linggo, September 29.

Tampok dito ang grupong BINI-b10, na binubuo nina Michael V., Betong Sumaya, Buboy Villar, Kokoy de Santos, at Matt Lozano.

Post ng isang BINI fan sa X (dating Twitter): “I've been a fan of Michael V since I was a kid (dagdag pa na same kami ng alumni school nung college). I believe pag ginawan ka ni Michael V ng parody meaning nakarating (or parating) ka na sa peak ng career mo. Ganyan siya magbigay ng greatest appreciation sa artist/artists”

Ilang araw bago ang episode ng Kapuso gag show, sunod-sunod na ang promo online ng show at ang teaser MV ng parody na “Salarin, Salarin” ay nakakuha ng six million views sa Facebook.

Kaya mag-relax sa mga bahay n'yo mga Ka-Bubble at late BLOOMers ngayong Linggo! At manood ng debut ng BINI-b10 sa Bubble Gang sa oras na 6:10 pm, pagkatapos ng 24 Oras Weekend!

RELATED CONTENT: MEET THE STUNNING MEMBERS OF BINI-B10