GMA Logo pinky amador and antonietta
What's on TV

Pinky Amador, binigyan ng mala-bagyong sampal si Antonietta

By Aedrianne Acar
Published November 19, 2024 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

September Christmas in PH? Partly due to mall culture, Jose Mari Chan, says experts
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

pinky amador and antonietta


Sa pagbabalik ni Antonietta (Betong Sumaya), pinatikim siya ng hagupit na sampal ni Moira (Pinky Amador).

Kasing lakas ng matinding super bagyo ang natikman ni Antonietta (Betong Sumaya) sa paghaharap nila ni Moira, ang karakter na ginampanan ni Pinky Amador sa dating GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.

Sa simula ng “BaliSong BENTENUEBE,” anniversary episode ng Bubble Gang, kagabi, November 17, nagbalik ang kasuklam-suklam na si Antonietta.

Banat pa niya kay Moira, “Kapag ang role niya bilang Moira at kino-close up, kailangan nakataas ang kilay at matigas ang mukha dahil kontrabida. Nangyayari ba yan sa tunay na buhay. Ako nga, e, may kakilala ako ang ganda, mukhang mabait. Pero nung nagpa-picture ako biglang nag-mask. Tapos sinabi sa akin, okay lang magpa-picture basta hindi mo ipo-post.”

Sagot tuloy sa kaniya ni Pinky, “Teka lang, Antonietta. Wala kang karapatan pigilan ang kanta ko.”

Muling puna sa kaniya ni Antonietta, “Ikaw ang walang karapatan Miss Pinky (Amador), because under the law this is my show at ako lang may karapatan dahil patay ka na! Ang tindi nga ng role mo e, ang tindi ng role mo. Namatay, nabuhay, namatay, nabuhay. May sa pusa ka ba!”

“At ngayon nagpapanggap ka naman ngayon bilang singer. Pweh!”

Matapos nito pinatikim ni Pinky Amador ng malulutong na sampal ang kontrabida sa opening ng anniversary episode ng longest-running gag show.

Pinky Amador special guest sa Bubble Gang s 29th anniversary episode

RELATED CONTENT: A peek at Bubble Gang's grand BaliSong BENTENUEBE anniversary special

Sa panayam ni comedy genius Michael V., pabirong tinanong niya si Pinky, “Nag-enjoy ka ba sa pagsampal dito kay Antonietta?”

“Oo kasi medyo malapad, lapad 'yung panga.” agad na tugon ng aktres.

Balikan ang matinding paghaharap nina Pinky Amador at Antonietta sa Bubble Gang 29th anniversary episode sa video below!

@youlolgma Gagi pinagsasasampal, par! 😱🤣 #youlol #youlolgma #gmanetwork #gma #bblgang #bubblegang #bubblegangcomedylaughtrip #bubblegangcomedy #balisong #bblbentenuebe #michaelV #29years #fyp ♬ original sound - YoüLOL