
Baon ng comedienne and host na si Tuesday Vargas ang magagandang alaala ng mapasama siya bilang official cast member ng longest-running gag show na Bubble Gang noong 2022.
Two years ago, kasama nai-launch si Tuesday at sina Faith da Silva, Kim de Leon, at Dasuri Choi bilang mga new cast ng flagship comedy program ng GMA-7.
Nang matanong ng GMANetwork.com si Tuesday tungkol sa experience niya bilang isang Ka-Bubble, labis ang pasasalamat niya na matawag bilang isang “Bubble Gang girl.”
Paliwanag niya, “'Yang show na 'yan mga landmark show siya. Isa sa pinakamatagal, pinaka-established. Tapos lahat ng tao diyan may boka, may dating.
“So to be part of it, it's such a great honor and even if it lasted just for a few years in several stints, hindi siya tuloy-tuloy. I'm still so proud to be called as a Bubble Gang girl, kasi iba 'yung samahan nabuo namin sa loob ng show na 'yan.”
At sa pagdiriwang ang Bubble Gang ng kanilang 29th anniversary ngayong buwan, hangad ni Tuesday na mas lalong magtagal ang show para maipasa ang legacy nito sa mga next generation of comedians.
Aniya, “And if I were to say anything to them, kunwari kaharap ko sila lahat. Maraming, maraming Salamat sa samahan. Salamat sa totoong pagkakaibigan at sana umabot pa 'yung Bubble Gang ng mga 50 years sa mga susunod na generation ng comedian, mapasa natin 'yung legacy that is Bubble Gang. So, I miss you guys.”
Kaabang-abang ang mangyayari sa “part-chew” ng “BaliSong BENTENUEBE” sa darating na November 24 dahil bukod sa makakasama natin ang mga paborito n'yo na Sparkle stars na sina Angel Guardian, Rita Daniela, at girl group na XOXO, magde-debut sa Waste Truck exclusive ang bagong parody song ni Michael V. na “Hilaw.”
Bubble Gang: BaliSong BENTENUEBE anniversary special part-chew!