
Hindi lang kilig ang ibibigay sa inyo ng longest running gag show na Bubble Gang ngayong love month!
Dahil "More Tawa, More Saya" moment ang mapapanood n'yo sa award-winning comedy show na mapapanood sa bago nitong oras simula February 9.
Puwede kayo maka-habol mga Ka-Bubble sa panonood, matapos ang mga lakad n'yo tuwing Sunday dahil ang Bubble Gang lilipat sa oras na 7:15 p.m.
Source: GMA Network
Mapapa-'chewtok' kayo sa episode ng Bubble Gang this weekend dahil makakasama natin sina Pepito Manaloto stars Jake Vargas at Arthur Solinap. Makikisaya rin sina Lexi Gonzales at ang Pambansang Abs na si Jak Roberto.
Feel the love ng Ka-Bubble barkada sa paghahatid sa inyo ng 'more GV moments' sa Bubble Gang tuwing 7:15 p.m. sa Sunday Grande sa gabi.
RELATED CONTENT: TRIVIA: A-list actresses and comedians who graduated from 'Bubble Gang'