
Huwag nang mainip, mga Ka-Bubble, dahil on the way na ang special delivery na 'chew-tastic' moments sa Sunday primetime.
Free na naman ang tawanan sa longest-running at award-winning gag show na Bubble Gang lalo na at makakasama natin ang mga sexy ladies na sina VMX star Robb Guinto at Liezel Lopez.
Mabubuksan n'yo na rin ang 'parcel of laughtrip' na mapapanood n'yo sa mga sketches na: 'Bagong Buhay' game show, 'Genie Daw,' at ' Susie Squammy.'
Kaya chill na lang sa mga bahay n'yo at manood ng Bubble Gang sa Sunday Grande sa gabi (August 17) sa oras na 6:15 p.m.
RELATED CONTENT: A-list actresses and comedians who graduated from 'Bubble Gang'