
Mga Ka-Bubble, 'chew'-lit ang paghihintay n'yo sa part two ng summer outing ng Bubble Gang this Sunday night!
Tanggal ang stress ng matinding init ng summer dahil sa patok na comedy sketches tulad ng 'Baon sa Buhangin,' 'Supermamshie Bikini Open,' 'Mr. & Ms.,' at 'Kantanods.'
Bukod sa paborito n'yong Ka-Bubble barkada, kasama pa rin sa summer party natin sina Sparkle actresses Arra San Agustin at Roxie Smith, at ang sexy actress na si Angelica Hart.
Kaya sit back and relax sa mga bahay n'yo at tutukan ang second part ng summer special ng Bubble Gang ngayong May 4 sa oras na 7:15 p.m.
RELATED CONTENT: Summer 2025: 'Bubble Gang' babes in their hottest swimsuit photos