
Ilang araw pa bago ang ang debut ng newest parody song ni Michael V. sa Bubble Gang, pero mainit na itong inaabangan ng mga Ka-Bubble.
Inspired sa hit song ni Dionela featuring Jay R na "Sining" ang bagong kantang isinulat ni Bitoy na "Feeling."
Bilang Tio Nilo, makakasama ang comedy genius ang kanyang co-star na si Paolo Contis, bilang si Jay-Cool, sa music video nito na ipalalabas sa programa.
Patok na sa netizens ang teaser ng parody, na may mahigit 800,000 views na. Excited na rin ang fans na mapanood ito sa Bubble Gang ngayong, Linggo, May 18, sa oras na 7:15 p.m..
Related gallery: Michael V.'s viral parody songs that you need to listen to