Ryan Bang, nag-cross over sa 'Bubble Gang'

Get ready, mga Ka-Bubble, dahil mapapanood soon si Ryan Bang sa Bubble Gang.
May pasilip na ang It's Showtime host at comedian na si Ryan sa upcoming guest appearance niya sa flagship gag show ng Kapuso Network.
Matatandaan na naging guest din ang former Pinoy Big Brother contestant sa Fast Talk with Boy Abunda noong Agosto, kung saan kasama din niya ang co-host sa noontime show na si Jhong Hilario.
Pinag-usapan din ng husto sa social media nang bumisita si Michael V. sa It's Showtime, kasama si Manilyn Reynes, para makisaya sa birthday celebration ng former Ka-Bubble na si Ogie Alcasid.
Tingnan ang ilan sa mga mangyayari sa pagbisita muli ni Ryan Bang sa bakuran ng Kapuso Network sa gallery na ito.




