
Isa sa promising comedians ng Kapuso Network si Mikoy Morales.
Napapanood sa dalawang higanteng comedy shows si Mikoy bilang regular cast ng Bubble Gang at gumaganap naman siya bilang Roxy sa Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento.
Sa exclusive interview ng Kapuso actor sa GMANetwork.com, umamin siya na hindi niya in-expect na malilinya siya sa pagpapatawa.
Saad niya, “Actually nung una hindi talaga like I have never thought I'll do comedy. Nag-start lang siya sa Pepito, doon talaga nag-start, one time na na-guest ako tapos nagtuloy-tuloy na tapos umabot sa Bubble Gang.”
“I have never thought I will do comedy kasi hindi ko naisip na nakakatawa ako [laughs] hindi talaga.”
Overwhelming din para kay Mikoy na kasama siya sa official cast ng multi-awarded gag show na Bubble Gang.
Dagdag pa niya, nakakatuwa na nakikita niya ang show na nag-a-adapt sa pagbabago ng panahon.
Wika ni Mikoy, “Hanggang ngayon may times pa rin na na-o-overwhelm ako na part ako ng show. Masaya naman kasi nakikita mong nagbabago through the times 'yung nangyayari, kasi as a viewer way before na halos kasing tanda ko nga 'yung show [laughs]. Isang taon lang ang tanda ko sa show, tapos umaabot sa ganito. Nakaka-proud to be part ng one of the flagship shows ng GMA.”
Tutukan ang pasabog na handog ng Bubble Gang para sa kanilang 23rd anniversary soon on GMA-7!