What's on TV

Andrea Torres, wala sa anniversary special ng 'Bubble Gang?'

By Aedrianne Acar
Published November 23, 2018 1:23 PM PHT
Updated November 23, 2018 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpaliwanag si Andrea Torres kung bakit hindi siya mapapanood sa #BGBenteTresOras, ang 23rd anniversary special ng 'Bubble Gang.'

Maraming Kapuso na ang excited para sa big telemovie presentation ng multi-awarded at longest-running gag show ng bansa na Bubble Gang mamayang gabi, pagkatapos ng Pamilya Roces.

Inaantabayanan na ng mga loyal Kababol ang big adventure nina Bea Bangenge at Toto Batoto na certified action-packed.

Mapapanood din ba sa anniversary presentation na ito ng Bubble Gang ang Kapuso hot babe na si Andrea Torres?

Sa tweet ni Andrea, sinabi niya na hindi siya kasama sa episode ng Kapuso gag show, dahil kasabay ng pagsu-shoot nito ang taping nila sa telefantasya series na Victor Magtanggol.

Gayunpaman, todo pa rin ang pag-promote ni Andrea na proud siya na maging parte ng Bubble Gang.

“#BGBenteTresOras mamaya na! Congrats sa aking mga kababol na naghirap sa anniversary episode na ito. Nagtetape pa ako ng VM nung ginagawa nila ito kaya wala po ako tonight. Pero 100% pa rin ang support! Sana kayo rin Proud to be part of this show!!!”

Sunod-sunod na rin ang tweets ng mga Kapuso na looking forward sa hinandang sorpresa ng Bubble Gang for their grand 23rd anniversary.