
Sa halip na madismaya, positibo ang pananaw ng Kapuso comedienne na si Chariz Solomon kapag may nagsasabi hindi siya nanalo sa tuwing nominado siya sa comedy acting categories.
Walang bitterness na nararamdaman ang Bubble Gang star dahil naniniwala siya na ang paging parte lang ng entertainment industry at makapagpatawa ng maraming tao ang tinuturing niyang 'totoong reward.'
Wika niya, “Kasi meron nagsasabi parang 'always lang ako nominated, 'di naman ako nanalo',
“Okay lang talaga sa akin, na-realize ko recently, siyempre, medyo nahu-hurt ka, pero 'di naman lahat nagkakaroon ng chance na manomina.
“At hindi lahat nagkakaroon ng chance na ma-express 'yung art nila sa TV. So being here lang is a very big reward na.
“Sabi ko nga, ang pinakatotoong reward for me is when I look to my right, I look to my left, back, front.
“Sino 'yung mga taong nasa paligid ko? Lahat ba may opportunity na maka-work sila and learn.”
Ayon din kay Chariz, lagi lang niyang tinatandaan na minsan nang na-recognize ng isang award-giving body ang talent niya bilang comedian.
Aniya, “I had one award na sa Golden Screen Awards from the Enpress, so maraming-maraming salamat po.
“And also, I'm always nominated naman most of of the time by Enpress and PMPC.”
Ang tinutukoy nito ay nang manalo siya ng Best Comedy Supporting Actress para sa role niya sa comedy series na 'JejeMom' sa 2011 Enpress Golden Screen TV Awards.
Sa nalalapit naman ng 24th anniversary presentation ng show niya na Bubble Gang next week, ibinahagi niya ang saloobin na maging parte ng flagship comedy program ng GMA-7.
Nakaka-proud para kay Chariz na masabing isa siyang Kababol.
“Siyempre, masarap! Kasi, dati pinapanood mo lang 'yan, e, 'tapos dati gusto mo lang makanood sa studio.
“Ngayon, ikaw na 'yung pinapanood sa sudio, sa TV di ba.
“Nakakapagpasaya ka ng maraming tao noon ikaw lang tumatawa. Ngayon, ikaw na nagpapatawa.
“So napaka-fulfilling and, siyempre, nakaka-proud kasi katulad ng sinasabi nila Dos [Boy 2 Quizon] ni Kuya Tonio [Antonio Aquitania] na kahit wala kang ibang show pero nasa Bubble Gang ka, okay ka na.”
Dagdag pa ng Kapuso actress na pinaparamdam ng show sa kanilang cast na mahalaga silang bawat isa.
“Dito kasi, lahat kami may role, pinapa-feel sa inyo lahat kayo importante or kailangan ka namin,” ani Chariz.
Manood ng 24th anniversary presentation ng Bubble Gang na "The ScAvengers," na mapapanood ngayong November 15 at 22 pagkatapos ng One of the Baes sa GMA Telebabad.
The ScAvengers: 'Bubble Gang' celebrates 24th anniversary with two-part superhero telemovie special
Michael V. enumerates preferred qualities of aspiring talents of 'Bubble Gang'