
Mukhang umiinit ang friendly-competition sa pagitan ng dalawang dyosa ng Bubble Gang na sina Kim Domingo at Faye Lorenzo para sa titulo na viral queen.
Hot topic kasi ngayon online ang viral sketch ni Faye Lorenzo sa Kapuso gag show na "Shoplifter" na umani na ng 17.6 million views matapos lamang ng dalawang buwan.
Pero hawak pa rin ng Kapuso sexy actress na si Kim Domingo ang number one spot ng highest number of views sa YoutTube para sa isang Bubble Gang sketch.
May mahigit sa 22 million views ang sexy sketch nila ng versatile actor na si Paolo Contis na "Touch Therapy" na ipinalabas noong sa award-winning comedy program noong April 2016.
Balikan muli mga Kababol ang patok na comedy sketches na ito ng Bubble Gang sa video below.
More BUBBLE GANG VIRAL VIDEOS:
'Bubble Gang' sketch na 'Shoplifter,' may 15M views na!
Bagong kasambahay, pinabayaan ang imaginary son ng kanyang amo
Masahe ng mga Kababol, umani na ng 1M views sa YouTube!