GMA Logo Balitang Ina sketch of Bubble Gang
What's on TV

Paano nabuo ang 'Balitang Ina' ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published June 18, 2020 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Balitang Ina sketch of Bubble Gang


Mga mommies isa ka ba sa Pulutang Ina, Pautang Ina o 'di kaya Shotang Ina na natampok sa 'Bubble Gang' sketch na 'Balitang Ina?' Alamin kung paano nabuo ang hit show nina Mommy Vicky at Mommy Karen!

Swak na swak ang mga hirit ng mga proud ina na sina Mommy Vicky (Valeen Montenegro) at Mommy Karen (Chariz Solomon) sa patok na comedy sketch ng Bubble Gang na 'Balitang Ina.'

Kaya kung na-miss n'yo sila ngayon na may pandemic, isang special video ang ginawa nina Valeen at Chariz sa Instagram para sa inyong mga loyal na ina.

Sa naturang clip, sinabi ni Valeen na sobra na silang sabik na gawin muli ang karakters nina Mommy Vicky at Mommy Karen.

Dagdag pa ni Chariz, dapat daw ay magti-taping na sila for their 50th episode ng Balitang Ina.

Wika ni Valeen, “Kaya eto kung anu-ano ang naiisip naming puwedeng gawing content. So eto na nga since nami-miss namin mag-work lalong-lalo na 'yung Balitang Ina.

“Nag-compile ako ng mga Balitang Ina topics namin throughout the years,”

Nagbigay rin ng trivia si Chariz Solomon kung paano nabuo ang Balitang Ina na sinusulat ng kanilang writer na si Jay Sario.

Sino nga ba ang unang nakaisip nito at paano ito nabuo?

Sambit ni Chariz, “Ang nag-pitch nito, tama ba ako? Correct me if I'm wrong, ang nag-pitch nung idea when we were having dinner one time is RJ Padilla, bago siya mag-punta ng Australia noon.”

Mga ka-balitang ina! 50th episode na sana natin, naunsyame lang ng ECQ. Kaya naman ito, sa pinakasimple naming paraan e gusto namin kayong i-tour down balitang ina memory lane, Sana kagaya namin ni Valeen ay mabigyan ng videos na ito ng magagandang kulay ang inyong gabi! Maraming salamat mga kababol, We love you all!!!

Isang post na ibinahagi ni Chariz Solomon (@chariz_solomon) noong

Bubble Gang: Nachos o giniling?

Bubble Gang: Boys ng 'Bubble Gang,' naisahan sa 'Ulo-Ulo Lang!'