
Maraming realizations ang cast ng award-winning gag show na Bubble Gang sa shoot nila para sa fresh episodes ng comedy program na mapapanood na simula Biyernes ng gabi, August 21.
Ibinahagi ng mga mainstay ng gag show na sina Archie Alemania at Valeen Montenegro sa panayam nila with the entertainment press kahapon, August 17, ang challenges ng pagsho-shoot na bago sa karamihan sa kanila.
Sa isang video conference kasama ang press, umamin si Archie sa press na “nakakapanibago” ang experience na mag-create ng content para sa Bubble Gang.
Aniya, “Siyempre ngayon lang namin ginawa ito, lalo na Bubble [Gang] pa.
“Tapos kami mismo magse-set up ng ilaw namin, magse-set up ng camera, 'di ba 'tsaka makeup. Kailangan matutunan mo ito ngayon na!”
Dagdag niya, “Mahirap, nakakapanibago, kasi dati siyempre haharap na lang kami sa camera, may gagawa ng makeup sa amin. Ngayon kami lahat.
“So, it's very difficult and challenging but, also of course very rewarding. Yeah, learning experience for each and everyone of us.”
Isang welcome experience para kay Valeen Montenegro na maging “one woman” team na inihalintulad niya sa ginagawa niya noong nasa kolehiya pa siya.
“Parang feeling ko nga bumalik ako sa pagka-college ko, e, kasi parang experimental 'yung ginagawa namin.”
Screenshot taken from Valeen Montenegro's Instagram Story
Kinunan man ang mapapanood sa Bubble Gang sa mga tahanan ng cast members, pero sinigurado ni Paolo Contis na hindi “na-compromise” ang kalidad ng fresh episodes nito at tiyak hindi madi- disappoint ang loyal viewers ng gag show sa August 21.
“Walang kinompromise dito ah, may mga eksena kailangan naka-babae 'yung ibang lalaki, nag-babae kami dito.
“I mean hindi ito 'yung, 'Oh dahil Zoom, tayo-tayo lang kailangan puro black shirt lang',”
“Hindi! May mga change costume 'to, may mga makeup ito na kami-kami 'yung gumawa.”
Bukod kina Archie, Valeen at Paolo, nakasama din sa online video conference with the members of the press last Monday sina Sef Cadayona at Lovely Abella na nagkuwento rin ng kani-kanilang sariling experience sa shooting para sa Bubble Gang.
Related content:
Fresh na fresh ang August sa GMA!
Lovely Abella, sumailalim sa 2-week isolation nang magpositibo sa COVID-19 rapid test