GMA Logo The boys of Bubble Gang
What's on TV

'Bubble Gang' boys share secret to reaching 25 years in television

By Cara Emmeline Garcia
Published October 14, 2020 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

The boys of Bubble Gang


Ibinahagi nina Paolo Contis, Mikoy Morales, Archie Alemania, Sef Cadayona, at Betong Sumaya ang sikreto sa pananatiling fresh ng 'Bubble Gang' tuwing Biyernes ng gabi.

Sa October 20, ipagdiriwang ng Bubble Gang ang ika-25 taon nila na pagpapatawa tuwing Biyernes sa telebisyon.

Matatandaan na unang umere ang longest-running comedy show sa Pilipinas noong 1995 sa GMA-7 na binubuo nina Michael V., Antonio Aquitania, Ogie Alcasid, Sunshine Cruz, Assunta de Rossi, Wendell Ramos, at marami pang iba.

Kaya naman marami ang nagtataka kung ano ang sikreto ng cast members para magtagal ito sa telebisyon.

Kuwento nina Paolo Contis, Mikoy Morales, Archie Alemania, Sef Cadayona, at Betong Sumaya, malaking parte ang teamwork at pagiging game sa mga pakulo ng staff at crew sa kanilang tagumpay.

“I think kaya kami swak sa isa't isa ay dahil magkakaibigan kami at may respeto kami sa isa't isa. Kahit feeling niyo wala, meron!” pabirong bitiw ni Paolo Contis sa GMA Entertainment Viber Community.

“We take our comedy seriously. We try na mag-adapt sa mundo kaya 25 years and counting ang Bubble Gang. Hindi siya madali. Lahat ng ginagawa namin ngayon may kinalaman na sa new normal, adapt lang ng adapt.”

Dagdag pa ni Mikoy Morales, “Totoo 'yun, actually. May lambing din talaga 'yung asaran sa'min. 'Pag hindi ka inaasar, 'di ka mahal.

“Pero honestly, 'yung pagiging seryoso ng show sa comedy [ang sikreto].”

Ibinahagi naman nina Betong Sumaya at Archie Alemania na hindi pa rin sila makapaniwala na nasama sila sa award-winning gag show.

Wika ni Betong, “Ako ang makatrabaho at makaeksena ang mga dekalibreng komedyante sa industriya, isang napakalaking achievement para sa akin.”

Ani naman ni Archie, “Dream come true para sa'kin maging isa sa Bubble Gang boys.”

Subaybayan ang iba pang inihandang gag shows ng Bubble Gang tuwing Biyernes, pagkatapos ng GMA Telebabad.

Para naman sa ibang updates sa inyong favorite Kapuso stars, sumama na sa GMA Entertainment Viber Chat at mag-download ng “Proud to be Kapuso” Viber stickers!