
Bukod sa pag-develop kay Faith Da Silva bilang isang drama actress, hinahasa din siya ng kanyang home network sa galing niya sa comedy dahil napapanood din ang morena beauty sa flagship comedy program na Bubble Gang.
Sa katunayan, kasama siya sa viral sketch kung saan bida si Betong Sumaya na 'Weight Loss Program' na umani ng mahigit 1 million views at nag-trend pa sa YouTube.
Sa exclusive interview ni Faith ngayong Martes ng hapon with GMANetwork.com, diretsahan namin siyang tinanong kung nakakaramdam ba siya ng alinlangan sa tuwing medyo sexy ang ginagawa niyang role for the gag show.
Tugon niya, “I think before naman ako pumunta or before ko tanggapin 'yung mga project, alam ko naman kung ano 'yung pinapasok ko. Maganda lang sa production na 'yun is katulad ng sinabi ko, very professional lahat ng tao.
“Alam mo na ginagawa namin 'to dahil trabaho namin 'to and alam namin sa ginagawa namin napapasaya namin 'yung mga tao nanonood sa mga bahay nila. Kasi kahit ako din noong mas bata pa ako napapanood ko talaga 'yung Bubble Gang and happy ako every time na napapanood ko siya.”
Binigyan diin ng GMA Artist Center talent na professional ang cast and crew ng show kaya walang problema kahit medyo sexy ang characters niya at ramdam niyang safe siya tuwing may shoot.
“So, 'yun palagi ko pinapasok ko sa isip ko na isipin mo 'yung mga bata na katulad ko na nanonood at napapasaya ko, so ginagampanan ko talaga nang maayos 'yung work ko dun, kahit na isipin nga natin na medyo pa-sexy.
“Sa akin wala naman 'problema 'yun kasi very professional lahat ng ka-trabaho ko, safe. Wala akong nararamdaman na discomfort.”
Pinuri din ni Faith ang kanyang mga katrabaho dahil kahit newbie siya, ipinaramdam ng mainstays ng show na parte na siya ng kanilang family.
Wika niya, “Iba 'yung experience ko everytime nagti-taping ako sa Bubble Gang. Hindi ko nararamdaman na bago ako dun, siyempre matagal na sila magkakatrabaho.
“'Pag nagti-taping ako dun pakiramdam ko na pamilya din ako and 'yun nga, hindi ako nape-pressure because ang gagaling nila talagang mga komedyante.
“Hindi naman ito talaga 'yung pini-pursue ko 'di ba, hindi naman comedy, so para makasama ka doon sa production na ganun, sabi ko din iba na 'yung bonding din nila, pero never ko naramdaman 'yun sa kanila. Kapag nagti-taping ako ako with Bubble Gang, ang saya lang! Parang hindi ko napi-feel na nagwo-work ako, siguro kasi comfortable sa mga tao nandoon.
“Kasi kahit ganito 'yung feel ng show wala kang ganun nararamdaman, kasi very professional at happy lang 'yung set.”
Alam n'yo ba na related si Faith Da Silva sa isang actress-turned-politician na isang mayor na sa Cavite?
Kilalanin kung sino ito sa gallery below: