What's on TV

Arny Ross believes 'Bubble Gang' was instrumental in her showbiz success

By Aedrianne Acar
Published November 25, 2021 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Arny Ross


Arny Ross on staying with 'Bubble Gang': “Malaki po factor na part ako ng 'Bubble Gang' kaya ako nakakuha…”

Bukod sa mahigit na dalawang dekada na nagbibigay saya ang flagship gag show na Bubble Gang, nagsilbing stepping stone rin ito ng ilan sa mga kilalang celebrities ngayon.

At para sa actress-entrepreneur na si Arny Ross ang walong taon niyang pamamalagi sa show ang nagbukas ng maraming oportunidad sa kanyang buhay.

Hindi lamang siya nagkaroon ng career sa show business matapos sumali sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break (2012), kundi nakatulong din ang gag show para makapagpatayo si Arny ng iba't ibang negosyo.

Kuwento ni Arny Ross sa virtual media conference ng Bubble Gang last week, “Malaki po ang utang na loob ko talaga sa Bubble Gang, diyan na po talaga ako tumagal, pagkatapos ko po mag-Protégé, 'yung Bubble Gang na rin po talaga 'yung naging regular show ko po.”

Pagpapatuloy niya, “At hindi ko po inexpect na tatagal ako hanggang ngayon, eight years na po. Malaki po factor na part ako ng Bubble Gang kaya ako nakakuha ng ibang endorsements ko po and nakapag-put up rin ako ng iba't ibang investment tulad ng nakapagtayo rin ako ng restaurant.

“Nag-istart lang po 'yun ine-endorse ka lang sila, tapos naisip ko rin mag-franchise. Tapos nanganak nang nanganak 'yung restaurant.

“Tapos nandoon talaga 'yung tiwala nila, ng ibang tao, [sasabihin nila] 'Ah, Bubble Gang cast po yan'.”

Ibinahagi rin ng Bubble Shaker ang ilan sa rewarding moments na mapasama sa longest-running gag show ng bansa.

Saad ni Arny, “Isa pa pong malaking factor is, 'Uy si Arny 'yung Bubble Gang'

“Parang 'yun na po 'yung pinaka the best reward po na nakuha ko, minsan hindi nila alam 'yung pangalan ko by name [pero sinasabi nila], 'uy sa Bubble Gang.'

“Ayun nakaka-proud lang 'yung mga moments na ganun.”

Source: iamarnyross (IG)

Heto ang ilan sa photos na nagpapatunay na si Arny Ross ang isa sa pinakasexy na Bubble Gang babe sa balat ng lupa. Check out the gallery below!

Let's us celebrate, mga Kababol!

Tumawa, mag-enjoy and remember the last 25 years of your favorite barkada. Tumutok sa grand 25th anniversary presentation ng Bubble Gang, pagkatapos ng GMA Telebabad!