GMA Logo Frasco Mortiz
Source: frascomortz (IG)
What's on TV

Bakit naging memorable ang shooting ni Direk Frasco Mortiz sa 'Bubble Gang?'

By Aedrianne Acar
Published December 23, 2021 3:49 PM PHT
Updated December 23, 2021 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shaira Diaz, EA Guzman celebrate New Year's Eve together for the first time
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

Frasco Mortiz


Tuwang-tuwa ang TV director na si Frasco Mortiz na nakatrabaho niya muli ang isang multi-awarded comedienne sa 'Bubble Gang.'

Tila naging mini-reunion, ganito isinalarawan ng TV director na si Frasco Mortiz ang naging shoot niya sa multi-awarded Kapuso gag show na Bubble Gang.

Sa Tweet ni Direk Frasco, masaya siya na nakasama nila uli sa taping ang versatile actor na si Paolo Contis at special guest din nila ang multi-awarded comedienne na si Pokwang.

Tulad ni Pokwang, dati rin nagta-trabaho si Direk Mortiz sa kabilang network.

Post niya, “Had fun shooting this sketch kasi ito yung unang kinunan namin sa unang araw ko (officially) as main unit director, nagbabalik si Paolo Contis galing sa lock-in taping, tapos unang guesting din ni Ms.Pokwang! Parang naging mini-reunion! Sakto sa Pasko.”

Tatay ni Frasco Mortiz ang veteran director na si Edgar “Bobot” Mortiz. May tatlo pa siyang kapatid na sina Badji, Calin, at Camille.

Samantala, busy naman ang kanyang ama na si Direk Bobot sa bago nitong project with GMA-7 na Happy ToGetHer na magiging comeback project on TV ng highly-respected showbiz idol na si John Lloyd Cruz.

Mapapanood ang world premiere ng Kapuso sitcom sa December 26 sa Sunday Grande sa Gabi.

Tingnan ang behind-the-scenes moments sa set ng Happy ToGetHer sa gallery na ito: