
Labis ang pasasalamat ni Betong Sumaya na maging parte ng longest running gag show sa bansa, ang Bubble Gang.
Sa naganap na Kapuso ArtisTambayan, ibinahagi ni Betong kung gaano siya kapalad na maging bahagi ng comedy show sa loob ng 10 taon.
"Ako this year, its my 10th year na sa Bubble Gang. After Survivor Philippines, Bubble Gang na agad. Unang-unang show ko talaga ito sa GMA," pagbabahagi ni Betong.
Ayon kay Betong, pangarap niya lamang noon na mapabilang sa cast ng Bubble Gang. Kaya naman 'very thankful' siya nang magkatotoo ang pangarap niyang ito.
"Pangarap ito na hindi mo ine-expect na matutupad. Gusto mo maging part pero paano? Buti na lang talaga pumasa itong itsura ko," dagdag niya.
Hindi rin pinalagpas ni Betong ang pagkakataon na pasalamatan si Michael V. sa lahat ng suportang ibinigay sa kanila.
"Salamat sa pagtitiwala, and siyempre Kuya Bitoy, salamat sa lahat ng support na ibinibigay sa atin," sabi ni Betong.
Samantala, balikan ang 25th anniversary ng Bubble Gang sa gallery na ito: