
Change is good, mga Kababol. Lalo na kung ang pagbabago ay maghahatid ng mas masayang tawanan at kulitan.
Kaya ang nangunguna at hindi mapantayan na gag show ng GMA-7, naghanda ng mga sketches at gags na magbibigay good vibes sa inyo for the weekend.
Abangan ang mga kaaliwan n'yo na sketches na: “Budol Workshop,” “Quarantine Meet-Up,” “DJ Nega,” at “Sino Ang May Kasalanan?”
Sasamahan pa tayo ng comedian na si Buboy Villar at ang mga seksing special guests na sina Claire Castro, Faith da Silva, at Elle Villanueva.
Ipapamalas din ng mga iniidolo ninyong Kapuso hunks na sina Saviour Ramos, Jon Lucas, Luis Hontiveros at Luke Conde ang kanilang funny side this Friday night.
Tumambay na favorite n'yo na Bubble Gang na mahigit 26 years n'yo nang kasama. Makitawa with Michael V. and the Kababol barkada pagkatapos ng GMA Telebabad sa February 11, sa oras na 9:35 p.m.