GMA Logo Buboy and Chariz Solomon
What's on TV

WATCH: Ano sinabi ni Chacha Romero nang makita si Buboy Villar?

By Aedrianne Acar
Published November 19, 2022 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Volleyball Tournament - February 20, 2026 | NCAA Season 101
Car falls off 600-foot cliff in Cebu, kills foreigner
Here are the additional fan benefits for KaoJane's fan meeting in Manila

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy and Chariz Solomon


'Bubble Gang' comedienne Chariz Solomon, nag-react nang nagkamali si Buboy sa kaniyang pangalan sa isang mission sa 'Running Man Philippines.'

Nangyari na ang hinihintay ng mga Kapuso na pagkikita nina Buboy Villar at ChaCha Romero!

Matatandaan na nakaka-aliw ang naging pagkakamali ni “The Funny Juan” sa isang mission sa Wedding Race ng Running Man Philippines na imbes Chariz Solomon ang sinagot niya, sinabi nito na ang pangalan ng Bubble Gang comedienne ay ChaCha Romero.

Sa exclusive video na in-upload ng GMA Public Affairs sa Twitter, makikita na nagpakilala si Chariz kay Buboy.

Sabi nito, “Hello, Buboy! ChaCha Romero pala”, tugon naman ng vlogger, “Kilala ko siya.”

Humirit uli si Cha at sinabing, “Pinalitan ko 'yung screen name ko para sa 'yo. Ang ganda ng suggestion mo.”

Sabat naman ni Buboy, “Malapit na kasi, pa-Solomon na ako nun. Pramis!

“Na-manifest ko lang siguro 'yung pagiging sabaw!”

Bubble Gang anniversary episode

Samantala, umani naman ng papuri ang buong Kapuso gag show sa Twitter para sa first part ng kanilang anniversary special na naipalabas na kagabi, November 18.

Bukod sa ating mga Kababol barkada, mapapanood din sa special episodes nila ang mga social media stars tulad nina Albert Nicolas, Manoy, Christian Antolin, at marami pang iba.

MORE HIGHLIGHTS FROM THE 27TH ANNIVERSARY SHOOT OF BUBBLE GANG: