GMA Logo Bubble Gang stars
Source: Bubble Gang
What's on TV

'Bubble Gang' stars, humanga sa mga vlogger at TikTokerist na nakasama sa 27th anniversary special

By Aedrianne Acar
Published November 24, 2022 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Alas Women fall to Vietnam in volleyball semis, drop to bronze medal game
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Bubble Gang stars


Abangan ang second part ng highly-anticipated anniversary special ng 'Bubble Gang' bukas ng gabi, November 26!

Nabalot ng tawanan at good vibes ang Kapuso ArtisTambayan ng GMA Social Media Team last Tuesday (November 22), dahil nakasama natin ang funny cast ng hit gag show na Bubble Gang.

Hosted by Sparkle comedian Betong Sumaya, naka-chikahan din niya sina Valeen Montenegro, Analyn Barro, at Tuesday Vargas, kung saan napag-usapan nila ang mga naging shoot nila for their 27th anniversary ng Kapuso gag show.

Ayon kay Valeen, lubos siyang humanga sa mga social media stars na nakasama nila for this special presentation tulad nina Agassi Ching, Jai Asuncion, Christian Antolin, Euleen Castro, Gifer Fernandez, Manoy, Cocomelon, at Albert Nicolas a.k.a. Asian Cutie.

Saad ni Vale, “Sobrang nakakatawa sila. As in kung ano 'yung nakikita natin content nila nadadala rin natin sa TV, 'di ba. So, parang napapasaya natin sila sa TV.”

Bubble Gang 27th anniversary special

Source: Bubble Gang

Sa loob ng mahigit dalawang dekada, hindi na mabilang ang mga sketch at gags na nagawa ng Bubble Gang.

Ano-ano kaya sa mga ito ang hindi makakalimutan ng ating mga Kababol?

Kuwento ni Tuesday, sobra siyang nakaka-relate sa sketch ni Michael V. na "Mr. Assimo."

Sabi niya, “Si [Mr.] Assimo. Alam mo kung bakit hindi ko siya makalimutan kasi ganun ako ,e. [laughs]

“Kapag may nagtatanong, tapos medyo mahina, 'Inday, pakikuha nga 'yung prutas na binili ko. Tapos, 'Ah, 'yung binili po natin sa palengke?'

“Ah, hindi! Ubos na ba 'yung ninakaw ko', sobrang rurok ng pagiging sarcastic na sobrang nakakatawa.”

Tumatak naman kay Valeen ang viral sketch nila ni Chariz Solomon na "Balitang Ina," biro pa niya, tuwang-tuwa raw ang mga tao kapag sinasabi niya ang mga lines niya sa sketch.

Aniya, “Siyempre lalayo pa ba ako. Doon na sa mga ginawa ko,. 'di ba.

“Ako, favorite ko siyempre 'yung 'Balitang Ina,' 'yun talaga. Iba yun, alam mo 'yung sanay na sanay na ako minumura ako ng mga tao, 'pag nakikita ako.

“'Uy Balitang Ina!' tapos gusto nila sasabihin ko rin, 'Uy! Balitang Ina mo rin,' ganun! Kahit saan talaga, pero instant nakaka-happy.”

Part-two this Friday night

Kung nabitin kayo sa katatawa last November 18, mapapanood n'yo ang part-two ng 27th anniversary episode bukas ng gabi.

Ayon kay Analyn Barro, marami pa silang pasabog ng buong Kababol barkada.

Pagmamalaki ng StarStruck alumna, “Marami pang pasabog sa part two at talagang pinaghandaan natin, hindi magkasya sa isang episode lang para sa inyo guys. Kaya talagang hinati siya, talagang grabe 'yung [mapapanood n'yo].”

Dapat din tutukan ng mga Kababol, ang new parody song ni Bitoy na tiyak mala-last song syndrome kayo.

Kaya umuwi nang maaga at maki-bonding with your favorite comedians sa Bubble Gang, ngayong November 25 sa oras na 9:40 p.m..

MORE HIGHLIGHTS FROM THE ANNIVERSARY SHOOT OF BUBBLE GANG: