
Ilan sa mga paborito natin na Bubble Gang stars ang nominado sa gaganapin na 35th PMPC Star Awards for Television na idadaos sa darating na January 28 sa Winford Manila Resort and Casino.
Base sa listahan ng mga nominado, maglalaban-laban para sa kategorya na Best Comedy Actor sina Direk Michael V. at Bossing Vic Sotto.
Nominated din ang mga Sparkle comedian na sina Paolo Contis, Sef Cadayona, Betong Sumaya, at former Kababol na si Boy 2 Quizon na huling napanood sa primetime series na Start-Up PH.
Sa Instagram post ni Betong, taos-puso ang pasasalamat niya sa pamunuan ng Philippine Movie Press Club at hirit niya parang panalo na rin siya.
Paliwanag ng comedian and TV host, “To GOD always be the glory…Guys pagbigyan nyo na ako dito, noong nakita ko ito kahapon mejo nahiya pa akong ipost hehehe…Salamat po Star Awards sa pagkilala…Guys minsanan lang ito, ang mapabilang sa magagaling na mga Artista na sina Bossing, Sen. Robin, Ian V, Boy2, Paolo, Sef and ofkors Kuya Bitoy bilang nominado sa 35th Star Awards for Television's Best Comedy Actor…Ang manominate pa lang ay isang napakalaking karangalan na…Buti na lang Alphabetical, doon pa lang parang nanalo na ako hehehe…Amazing thanks to my Sparkle & Bubble Gang Family.”
Masaya rin ang co-stars niya sa gag show na sina Paolo at Sef sa nakamit nilang nomination this year.
Samantala, maiyak-iyak naman ang longtime Kapuso na si Chariz Solomon na nominado sa kategoryang Best Comedy Actress sa 35th Star Awards for Television.
Nasa listahan din ang Pepito Manaloto actresses na sina Manilyn Reynes at Nova Villa. Pati na rin ang Balitang Ina co-host niya na si Valeen Montenegro.
Post ni Chariz sa Instagram Story, “Wow. Huhu salamat sa nomination Star Awards for TV!”
Sino-sino kaya sa ating mga Kapuso ang mananalo? Abangan natin sa darating na January 28!
TINGNAN ANG BUBBLE GANG CHARACTERS WHO MADE US LAUGH IN 2022: