
Nakiisa ang mga talented comediennes ng Bubble Gang sa pagdiriwang ng International Women's Day kahapon, March 8.
Ang mga mainstay ng gag show na sina Tuesday Vargas at Faye Lorenzo, nag-post sa kani-kanilang Instagram page para gunitain ang mahalagang araw na ito para sa kababaihan.
May paalala pa si Tuesday sa mga kapwa niya babae. Aniya, "Mabuhay ka babae! Sa iyong dibdib nabuhay ang sanglibutan Ang iyong sinapupunan ay kanlungan ng kinabukasan Ang mapagpala mong kamay ay ginhawa ng karamihan Ang iyong galing at ganda ay inspirasyon ng lahat ng lumilikha Hindi mo araw ngayon bagkos ito ay iyong siglo Ilang milenya mo nang binabago ang mundo
“Walang bakas ng kahinaan ang iyong bawat galaw Ibibigay para sa mahal ang lahat hanggang pumanaw Kaya't padayon Maria Eba o Juana!”
Samantala, ang Sparkle sexy comedienne na si Faye ay naniniwalang “achiever” ang mga babae. Sulat niya sa Instagram caption, “She is a dreamer, she is a believer, she is a doer. She is an achiever and she is you.”
“Happy Women's Day to you, our brave souls.”
Nagbigay-pugay naman ang "Balitang Ina" host na si Valeen Montenegro sa kaniyang nanay na si Honeylet Vicente na kasama niya sa Araw ng mga Kababaihan.
Source: valeentawak (IG)
SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA NAGSE-SEKSIHAN AT TALENTED NA KABABOL LADIES DITO: