
Kinikilig si Kapuso leading lady Sanya Lopez nang ibahagi niya sa social media ang isang video message na pinadala sa kanya ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Ayon sa beauty queen, handa siyang tulungan ang Cain at Abel star kung sakaling mapagdesisyunan nito ang sumali sa beauty pageants.
"Inii-stalk din kita sa IG at super ganda mo. Whenever you're ready, we're here waiting for you. Kung gusto mo mag-train, kung gusto mong sumali, alam mo na kung sino ang lalapitan mo. I would be happy, happy, happy to help you," saad niya.
Hinikayat naman si Sanya ng kanyang followers na sundin ang payo ni Pia.