
Tila hindi nakilala nina Jose Manalo at Derrick Monasterio ang Catch Me Out Philippines regular spotter na si Kakai Bautista nang biglang mag-Ingles ito habang nagbibigay ng komento sa performance ng isang amateur.
Sa naganap na episode ng variety-reality-talent show, humanga ang dalawang stars sa galing ni Kakai mag-Ingles.
Bitiw ng singer-actress sa kanyang bit, “Kuya Jose, it's so breathtaking. The performance is just, you know, amazing and breathtaking. I don't know what I'm saying anymore!
“Someone caught my attention, it's green.”
Sagot naman ni Jose, “Talagang may binabagayan talaga ang nag-i-English, ano?”
Sinundan naman ni Derrick ang trip ni Kakai kaya pati siya napa-Ingles nang ibigay ang kanyang judgment sa performance ng amateur.
Tingnan ang nakakatawang segment na ito:
Tunghayan ang ilan pang world-class performance ng mga baguhan sa Catch Me Out Philippines, tuwing Sabado, sa oras na 7:15 p.m. sa GMA-7.