
Muli nating balikan ang mechanics ng exciting na hulaan at hulihan sa Catch Me Out Philippines na mapapanood na simula ngayong July 31.
Dalawang amateurs ang magpapanggap na professionals sa dalawang magkaibang performances. Ang amateurs ay mapapanood kasama ang tatlong professionals.
Pagkatapos ng kanilang pagtatanghal, huhulaan ng mga celebrity catchers kung sino sa kanilang napanood ang amateurs.
Photo source: Catch Me Out Philippines
Magwawagi sa Catch Me Out Philippines ang amateur na mas maraming napaniwalang isa siyang professional.
Ready na ba kayong muling mapanood ang hulaan at hulihan na ito? Abangan ang Catch Me Out Philippines ngayong July 31, 7:15 p.m. sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
'Catch Me Out Philippines,' magbabalik na ngayong July!