
Nagkaroon ng special birthday celebration si Jose Manalo sa Celebrity Bluff pero mas agaw-eksena sina Boobay at Teri Onor dahil sa sagutan nila.
Nitong Sabado, May 9, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Ipinakita rito ang special birthday episode ni Jose kaya tampok din dito ang bilang celebrity players ang kanyang mga kaibigan at dating katrabaho. Magkakampi sina Eat Bulaga Dabarkads Wally Bayola at Paolo Ballesteros, Valiente stars na sina Tirso Cruz III at Glenda Garcia, at Pauleen Luna at Teri Onor.
Tila naantala ang unang round ng 'Fact or Bluff' dahil sa ginawang pagsusungit nina Boobay at Teri sa isa't isa. Nauwi naman ito sa tawanan dahil sa husay na role-playing na ginawa ng parehong komedyante.
At kahit tila agaw-eksena ang dalawa, pansin pa rin ang sweetness nina Eugene at Jose lalo na't birthday celebration ng huli. May bonggang sorpresa pa ang Celebrity Bluff host bago matapos ang episode!
Panoorin:
Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Magpakailanman.